UNIVERSITY OF BOHOL
City of Tagbilaran
Master of Arts in Teaching Filipino
SYLLABUS in PAGTUTURO NG PANITIKAN
I. COURSE NUMBER : Fil. 206
II. COURSE TITLE : Pagtuturo ng Panitikan
III. COURSE DESCRIPTION : Ang kursong Fil-206- Pagtuturo ng Panitikan ay binubuo ng mga
araling tutulong sa mga gurong nagpapakadalubhasa sa Asignaturang Filipino na madagdagan
ang kanilang kaalaman tungkol sa iba’t ibang paraan sa pagtuturo ng iba’t ibang uri ng panitikan. Ang unang
bahagi ay tumatalakay sa katuturan, uri at kahalagahan ng panitikan, ang ikalawang bahagi’y nauukol
sa Panitikang Filipino, Banghay ng Pagtuturo ang tinatalakay sa ikatlong bahagi at ang ikaapat na bahagi
ay tumutukoy sa iba’t ibang paraan at pamamaraan sa pagtuturo ng panitikan. Kalakip sa kursong ito
ang pagpapakitang-turo ng mga mag-aaral na naglalapat ng mga natutunang paraan.
IV. COURSE OBJECTIVES :
1. Mauunawaan ang katuturan, uri at kahalagahan ng panitikan
2. Matutukoy ang mga pangunahing layon sa pagtuturo ng panitikan sa iba’t ibang antas
3. Mapapunlad ang kasanayan sa pagsusulat ng banghay ng pagtuturo ayon sa iba’t ibang istratehiyang natutunan.
4. Lubusang makauunawa sa iba’t ibang istratehiya ng pagtuturong naaayon sa uri at sitwasyon ng mga mag-aaral
5. Makapagpapakitang-turo na ginagamit ang mga natutunang istratehiya at pagdulog
V. COURSE CONTENTS :
Kabanata I – Ang Panitikan
A. Katuturan
B. Dalawang Uri
C. Bakit Dapat Pag-aralan ang Panitikan
II – Ang Panitikang Filipino
A. Mga Pangunahing Layon Ng Pagtuturo
B. Mga Layon sa Iba’t Ibang Antas
C. Ang Saklaw Ng Panitikan
D. Pagpapaliwanag sa Magagandang Bahagi
1. Pagtutulad
2. Pagwawangis
3. Pagpapalit-tawag
4. Pagpapalit-saklaw
5. Pagmamalabis
6. Pagbibigay-katauhan
E. Ang mga Tuluyan
1. Nobela
2. Talumpati
3. Talambuhay
4. Maikling Kuwento
5. Dula
6. Sanaysay
7. Pabula
8. Alamat
F. Mga Simulain sa Pagtuturo ng Tuluyan
G. Pagganyak sa Pagsusulat
III – Banghay Ng Pagtuturo
A. Paghahanda Ng Isang Banghay
B. Mga Hakbang Sa Pagtuturo ng Panitikan
C. Mga Hakbang Sa Pagtuturo ng Panitikan sa Mababang Paaralan
1. Balangkas sa isang Banghay
a. Mga Layon
b. Paksang-Aralin
c. Pamamaraan
- Pangganyak
- Pag-alis ng Sagabal
- Ang mga Pagsubok
d. Takdang-Aralin
IV – Ang Pagtuturo Ng Panitikan
A. Panimula
B. Mga Pamaraan sa Pagtuturo Ng Panitikan
1. Ang Pagtuturo Ng Maikling Kuwento
2. Ang Pagtuturo Ng Dula
- Mga Layunin ng Awtor Sa Bawat Tagpo
- Ang Pag-aaral Ng Banghay
- Ang Pagsasadula
3. Ang Pagtuturo Ng Tula
- Paglinang at Pagpapahalaga ng mga Tugma at Tula (Haiskol)
- Pamaraang Pagpapahalaga sa Pagtuturo n Panitikan (Elementarya)
- Mga Hakbang
4. Ang Pagtuturo Ng Sanaysay
- Dalawang Uri
- Mga Hakbang Na Dapat Sundin
5. Ang Pagtuturo Ng Talambuhay
6. Ang Pagtuturo Ng Talumpati
7. Ang Pamaraang Pinag-ugnay
8. Pagtuturo Ng Mga salawikain
C. Mga Pagsubok sa Pagkaunawa Sa Nilalaman Ng Kwento
1. Tanong-sagot
2. Pagsasalaysay ng mga Pangyayri sa Kwento ayon sa kanilang Pagkakasunod-sunod
3. Dugtungang Pagsasalaysay
4. Paghahambing sa kwento sa ibang nabasa
5. Paglalarawan sa bahagi ng kwentong pinakamadula
6. Pagtatalakay sa Nilalaman ng Kwento
7. Pagsasadula
8. Pagbibigay ng ibang wakas
9. Pagbabalangkas
10. Pagbibigay-puna
11. Talakayan sa Diwa
12. Paglalagom
13. Pagtatalo
14. Paglalarawan sa Mga Bahagi ng Katha
D. Pagpapakitang-turo
VI. METHODS / STRATEGIES
Pananaliksik
Pag-uulat
Pagsusuri
Matalas ng Tanungan
VII. ASSESSMENT / EVALUATION:
1. Pagsusulit
2. Pagsusulit
3. Pag-uulat
4. Pagpapakitang-turo
VIII. BIBLIOGRAPHY:
Aguilar, Reynaldo L. Panitikan ng Pilipinas. Makati City: Grandwater
Pub., c2004 [2 cps.]
Arrogante, Jose A. Panitikang Filipino. Mandaluyong City: National Book
Store, c2004 [1 cp.]
Arrogante, Jose A. Pagpapahalagang sining sa Filipino: pinta at literature,
sayaw at musika, atb. Mandaluyong City: c2002 [1 cp.]
Casanova, Arthur P. Panitikang pilipino. Manila: Rex Book Store, c2001
Hornedo, Florentino H. Literatura, gur, bansa: mga kuwadradong konseptwal sa
pagtuturo ng literatura at ilang pagtuturo tungkol sa kalinangan at wika. Manila: UST Pub., c2004 [3 cps.]
Jocson, Magdalena O. Filipino sa iba’t-ibang disiplina. Makati City:
Grandwater Pub., c2004 [3 cps.]
Lorenzo, Carmelita S. Sining ng pakikipagtalastasang panlipunan:
pangkolehiyo. Mandaluyong City: National Book Store, c2002 [2 cps.]
Jocson, Magdalena O. Pagbasa at pagsulat sa iba’t-ibang disiplina. Makati
City: Grandwater Pub., c2005 [1 cp.]
Lorenzo, Carmelita S. Ugat ng panitikang pilipino. Mandaluyong City: National
Book Store, c2005 [3 cps.]
San Juan, Gloria P. Panunuring pampanitikan. Manila: Booklore Publishing,
c2005 [1 cp.]